Tone-toneladang ginto at pilak, nahulog sa eroplano sa Russia

By Jay Dones March 16, 2018 - 02:10 AM

 

Umulan ng ginto at silver sa runway ng isang paliparan sa Siberia makaraang malaglag ang bulto-bultong gold bars sa isang eroplano.

Papalipad na sa himpapawid ang isang Antonov cargo plane na lulan ang tone-toneladang ginto at silver bars mula sa runway ng paliparan ng Yakutsk nang aksidenteng bumukas ang cargo hold nito.

Dahil dito, nagsitalsikan palabas ng eroplano ang nasa mahigit daan-daang bareta ng ginto at pilak na nagmula sa isang minahan sa Chukotka region.

Agad namang kinordon ng mga security personnel ang lugar upang i-secure ang mga ginto at pilak.

Sa kabila nito, maswerteng nabawi naman ang lahat ng mga gold at silver bars na nahulog mula sa eroplano.

Lumapag ang Antonov cargo plane lulan ang mga ginto sa Yakutsk airport upang mag-refuel nang maganap ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.