Pulis na sangkot sa pagkamatay ng 13-anyos kinasuhan na ng MPD

 

Nagsampa na ang Manila Police ng kasong murder laban sa isa nilang pulis kaugnay ng pagkamatay ng isang trese anyos na binatilyo sa Tondo, Maynila.

Inireklamo sa Office of the City Prosecutor sa Maynila si PO2 Omar Malinao kaugnay ng pagkamatay ni Aldrinne Pineda.

Nakasaad sa complaint sheet na ang bala ng baril na iprinisinta ng ina ng biktima ay nag-match sa sinuring bala na galing sa baril na naka-issue kay Malinao.

Una nang sumuko ang pulis at ngayon ay nakakulong sa Homicide division ng MPD.

Sinampahan din ng hiwalay na reklamo si Malinao sa Office of the Ombudsman.

Una nang sinabi ng pulis na aksidente niyang naiputok ang kanyang baril matapos pasukin ng ilang tao ang lugar na kanyang binabantayan pero tinamaan ang batang si Pineda.

Read more...