Ayon kay Calida, siya ang magsisilbing abogado ng PNP CIDG na ang kasong droga na kanilang isinampa laban kina Lim at Espinosa ay ibinasura ng Department of Justice.
Pwede aniyang kumatawan ang Solgen sa anumang korte, tribunal, body o commission sa mga kasong may epekto sa mga tao.
Sinabi ni Calida na bilang abogado ng gobyerno ay idedepensa niya ang PNP CIDG para mabaligtad ang dismissal ng mga kaso laban kina Lim at Espinosa.
MOST READ
LATEST STORIES