“I wish her well”.
Ito ang naging simpleng mensahe ni Senador Francis Escudero sa kanyang kapwa Bicolano at makakaharap sa Vice-Presidential race na si Camarines Sur. Rep. Leni Robredo.
Ayon kay Escudero, kwalipikado si Robredo sa naturang posisyon at may karapatan na ialok ang sarili sa mas mataas na puwesto.
Umaasa si Escudero na magiging maayos ang kanilang palitan ng kuro- kuro ni Robredo para sa ikabubuti ng taong bayan.
Sa panig ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, sinabi nito welcome para sa kanya ang deklarasyon ni Robredo.
Mas mainam aniya na marami silang maglalaban laban sa Vice-Presidential race para maraming kandidato ang pagpipilian ng mga botante.
Sa mga darating na araw ay inaasahan rin na maghahayag ng kanilang kandidatura ang ilang mga pulitiko na nauna nang nagpahayag ng kanilang kahandaan sa mas mataas na pwesto sa 2016.
Sa kasalukuyan bukod kina Escudero, Cayetano at Robredo, sinasabing tatakbo rin sa pagka-Pangalawang Pangulo sina Senators Bongbong Marcos, Gringo Honasan at Antonio Trillanes IV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.