DILG: Mga inabsweltong drug personalities madidiin pa rin sa kanilang mga kaso

Umaasa ang Department of Interior and Local Government (DILG) na pag-aaralang maigi ng mga state prosecutor ang motion for reconsideration na inihain ng Philippine National Police sa Department of Justice kaugnay sa drug case ni Kerwin Espinosa at iba pa.

Ayon kay DILG OIC Eduardo Año, naniniwala siya na talagang may probable cause sa kaso kaya nararapat lang na ma-convict si Espinosa sa kasong kinakaharap nito.

Paliwanag ng opisyal, malaking bagay at konkretong ebidensya ang pag-amin ni Espinosa sa Senado na siya ay drug-dealer sa Visayas kaya naman nakakapagtaka umano kung bakit sya naabswelto.

Anya, dapat lang busisiin ng mga panel ang motion for reconsideration na inihain ng PNP na naglalaman umano ng mga testimonya na makakapagdiin kay Espinosa.

Samantala, sinabi naman ni Año na nakausap niya si PNP Chief Ronald Dela Rosa at CIDG Chief Roel Obusan para matiyak na hindi mauuwi sa dismissal ang isinampa nilang kaso.

War on drugs kasi ang pangunahing kampanya ng pamahalaan at kung mababalewa lamang ito ay malaking dagok ito para sa pamahalaan.

Matatandaang ipinag utos na ni Sec. Vitaliano Aguirre na imbestigahan kung nagkaroon ng pagpapabaya o kamalian ang mga State Prosecutors sa nag dismiss sa kaso nina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pang mga umano’y kasangkot nila sa illegal na droga.

Read more...