Trillanes pinakakasuhan ng inciting to sedition dahil sa banta kay Duterte

By Den Macaranas March 15, 2018 - 03:12 PM

Sinabi ng Pasay City Prosecutors’ Office na may probable cause ang inihaing reklamo ng ilang complainant laban kay Sen. Antonio Trillanes kaugnay sa kasong inciting to sedition.

Base ito sa inilabas na resolusyon at pirmado ni Senior Assistant City Prosecutor Johanna Gabatino-Lim.

Wala ring piyansa na inirekomenda ang piskalya para sa kalayaan ni Trillanes.

Nag-ugat ito sa naging pahayag ng mambabatas na dapat gamitan ng militar ng M60 machine gun ang pangulo dahil sa kanyang mga ill-gotten wealth.

Kabilang sa mga naghain ng reklamo laban kay Trillanes sina dating Congressman at ngayo’y Labor Usec. Jing Paras, dating Cong. Glenn Choang at Atty. Manuelito Luna noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Sinasabi naman sa ulat na kasalukuyang abala sa pagbiyahe sa labas ng bansa si Trillanes para dumalo sa ilang mga forum kung saan ay patuloy niyang binabatikos ang pangulo partikular na sa war on drugs.

TAGS: duterte, inciting to sedition, no bail, trillanes, War on drugs, duterte, inciting to sedition, no bail, trillanes, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.