Finland, happiest country sa buong mundo

Photo from Lonely Planet

Itinanghal na world’s happiest country ng United Nations ang bansang Finland.

Batay sa U.N. Sustainable Development Solutions Network’s (SDSN) 2018 World Happiness Report, kabilang ang access to nature, safety, childcare, good schools at libreng healthcare sa mga dahilan kaya maituturing na pinakamasaya ang Finland sa buong mundo.

Galing sa ikalimang pwesto ang Finland noong 2017 survey habang ang Norway ang nasa top spot noon.

Ngayong 2018 ang nasa top 10 ay ang sumusunod na bansa: Finland, Norway, Denmark, Iceland, Switzerland, Netherlands Canada, New Zealand, Sweden at Australia.

Nasa pang-18 pwesto ang Estados Unidos, bumagsak mula sa pang-14 na pwesto noong nakaraang taon.

Nakasaad sa survey na bagaman payaman ng payaman ang US ang kanilang mamamayan naman ay nababawasan ang kasiyahan.

Ang Pilipinas naman ay nasa pang-71 pwesto.

Habang ang bansang Burundi ang nasa panghuling pwesto na pang-156 sa World Happines Report.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...