Sec. Aguirre hindi magbibitiw sa pwesto

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 15, 2018 - 11:19 AM

Hindi magbibitiw sa kaniyang pwesto si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II. Ito ay sa kabila ng mga panawagang siya ay mag-resign matapos ibasura ng panel of prosecutors ang reklamo laban kima Peter Lim, confessed drug distributor Kerwin Espinosa at iba pang drug personalities.

Ayon kay Aguirre kung sya ay magbibitiw sa pwesto ay mistulang inamin na rin niya na siya ay guilty sa isyu.

Iginiit ni Aguirre na wala siyang kinalaman sa naging pasya at hindi dumaan sa kaniya ang reklamo maging ang desisyon ng National Prosecution Service.

Ani Aguirre, magbibitiw lang siysa pwesto kung mapapatunayan na siya ay may pagkakamali sa kontrobersiya o di kaya ay kung mismong si Pangulong Duterte na ang magsasabi.

Magugunitang marami sa mga mambabatas ang nanawang magbitiw na sa pwesto si Aguirre.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: kerwin espinosa, National Prosecution Service, Peter Lim, Vitaliano Aguirre II, kerwin espinosa, National Prosecution Service, Peter Lim, Vitaliano Aguirre II

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.