Ayon sa statement ng US Navy, bagaman nagawang makapag-eject mula sa F/A-18F Super Hornet nan aka-attach sa Strike Fighter squadron 213 ay kapwa din idineklarang nasawi ang dalawa sa ospital.
Nagsasagawa umano ng training ang dalawa nang mag-crash ang fighter jet.
Matapos silang makapag-eject, natagpuan ng rescuers ang dalawa sa karagatan.
Galing sa Naval Air Station Oceana sa Virginia Beach, Virginia ang fighter jet nang mangyari ang insidente.
Inaalam pa kung ano ang sanhi ng insidente.
MOST READ
LATEST STORIES