5 ASG patay sa engkwentro sa Patikul, Sulu

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Mark Makalalad March 15, 2018 - 10:26 AM

Patay ang limang miyembro ng Abu Sayyaf makaraang makasagupa ang mga sundalo sa Barangay Panglahayan sa Patikul, Sulu.

Sa ulat ng Western Mindanao Command nakasagupa ng mga tauhan ng 5th Scout Ranger Battalion, sa pamumuno ni Lt. Col. Marlon Jomalesa ang mga miyembro ng Abu Sayyaf sa ilalim ng grupo ni Radulan Sahiron at sub-leaders na sina Julie Ekit, Amlon Abtahi at Amah Asam.

Nagawa ng mga sundalong makalapit sa hideout ng mga bandido dahilan para mapatay nila ang lima sa mga ito.

Anim naman ang nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Apat sa kanila ay dinala sa Kuta Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo habang ang dalawa ay inilipad patungong Zamboanga City para magamot.

Nasabat naman ang dalawang mataas na kalibreng baril mula sa Abu Sayyaf sa nasabing engkwentro.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Abu Sayyaf, Patikul Sulu, Radyo Inquirer, Abu Sayyaf, Patikul Sulu, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.