Technical working group na mag-aaral upang maideklara na protected area ang Philippine Rise binuo ng kamara
Bumuo na ng technical working group ang House Committee on Natural Resources na siyang mag aaral upang ideklarang protected area ang Philippine rise.
Sa ilalim ng House Bill 6036 na inihain ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, iminungkahi nito na magtatag ng Philippine Rise Natural Park upang maprotektahan at mapangalagaan ang mga likas yaman sa teritoryo ng bansa.
Mahalaga aniya na may batas na poprotekta sa Philippine Rise dahil malalantad ito sa exploitation na maaaring mauwi sa pagkasira at tuluyang mawala sa bansa lalo pa’t mainit din ito sa mata ng China.
Ang Philippine Rise ayon sa mambabatas ay hindi pa nagagalaw o napupuntahan dahil may kalayuan ito sa coastline.
Inihalimbawa ni Biazon ang ancient reefs ng Australia at Hawaii na nasira bunsod ng polusyon, destructive fishing, at climate change dahil na rin sa kawalan ng batas na poprotekta dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.