WATCH: Labor groups kinalampag ang Malakanyang sa hindi pa napipirmahang EO tungkol sa contractualization

Kuha ni Mark Makalalad

Nagkasa ng kilos-protesta ang grupo ng mga manggagawa sa Mendiola, Maynila.

Pasado alas-9:00 ng umaga nang dumating ang nasa 200 myembro ng Kilusang Mayo Uno at Nagkaisa Labor Coalition sa Moryata at nagmartasa pa-Mendiola.

Bitbit nila ang mga placard at banner na may nakalagay na “stop workers exploitation at regular jobs not contractual”.

Sigaw nila, kalbaryo kung maituturing ang kabiguan ng administrasyon na pirmahan ang executive order na nagpaptigil sa kontrakwalisasyon.

Ngayong araw, March 15 kasi ang deadline ng Malakanyang sa paglalabas ng EO pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring malinaw na aksyon sa kompromiso na sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Anila, tila ang kompromiso na sinasabi ng pangulo ay katulad din sa win-win solution na tinawag ni Labor Sec. Silvesre Bello III sa kanyang Department Order 174 kung saan exempted na ang mga principal employer sa pagre-regular ng manggagawang may trabahong “usually necessary o desirable” sa karinawang operasyon ng negosyo.

Giit ng grupo, sinungaling ang pangulo at paasa dahil wala pa ring remedyo sa EnDo.

Tila binobola lng umano sila nito dahil dalawang taon na ang nakakalipas sa kanyang pangako.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...