Mahigit 30,000 empleyado ng Toys ‘R’ Us sa Amerika napipinto nang mawalan ng trabaho
Inanunsyo na ng Toys ‘R’ Us Inc., sa kanilang mga empleyado ang napipintong pagbebenta o ‘di kaya ay pagsasara ng lahat ng kanilang stores sa Estados Unidos.
Ang Toys ‘R’ Us ay mayroon pang 700 stores sa iba’t ibang panig ng Amerika kabilang ang kanilang Babies ‘R’ Us stores.
Sa ipinatawag na pulong sa kanilang headquarters sa Wayne, New Jersey, inanunsyo ni Chief Executive David Brandon sa kanilang mga empleyado ang kahihinatnan ng kumpanya.
Sa pagtaya, aabot sa 33,000 na mga manggagawa ng Toys ‘R’ Us sa Amerika ang maaapektuhan.
Noong Setyembre ay naghain ng bankruptcy ang kumpanya matapos na umabot sa mahigit $5 billion ang kanilang pagkakautang.
Kabilang sa tinitignang dahilan ng pagkalugi ay ang pagkahumaling ng maramingmagulang sa online shopping.
Maliban sa pagsasara o pagbebenta ng kanilang mga store sa US, magsasagawa na rin ng liquidation ang kumpanya sa kanilang stores sa France, Spain, Poland at Australia.
Sinabi rin ni Brandon na plano na nilang ibenta ang kanilang operasyon sa Canada, Central Europe at Asia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.