5 estudyante sa Lucena arestado sa pagbebenta ng marijuana

Arestado ang limang mag-aaral na umano ay sangkot sa pagbebenta ng high-grade marijuana sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Lucena City.

Ang mga mag-aaral na nadakip ay pawang edad 15 hanggang 17 anyos at high school at college students.

Ayon kay Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Lucena City police, nakuha sa grupo ang 200 gramo ng high-grade na marijuana na tinatayang nasa P300,000 ang halaga.

Ani Cabatingan parokyano ng mga suspek ay mga kapwa din nila estudyante na nag-aaral sa mga pribadong paaralan.

Dagdag pa ng pulisya, miyembro ng lokal na drug group sa lungsod ang lima at mayroon silang sinusunod na sistema sa pagbebenta ng marijuana.

Hindi naman na nakatanggi ang mga nadakip na sila ay sangkot sa pagtutulak.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...