Biyahe ng MRT nagka-aberya, 200 pasahero ang naapektuhan
Maagang nagka-aberya sa biyahe ang Metro Rail Transit – 3 (MRT-3) ngayong Huwebes, March 15.
Ayon sa abiso ng pamunuan ng MRT, alas 5:37 pa lamang ng umaga o ilang minute matapos magbukas ang biyahe ay nakaranas na ng problema sa isa nitong tren.
Isang tren sa bahagi ng Quezon Avenue station southbound ang nakaranas ng electrical failure kaya pinababa ang 200 pasahero nito.
Ito na ang ikaapat na aberya sa MRT para sa buwan ng Marso.
Samantala, alas 8:00 ng umaga, sinabi ng MRT management na 10 tren nila ang naka-deploy at maayos na bumibiyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.