No. 3 most wanted person ng Pandacan Police arestado sa Cavite

By Justinne Punsalang March 15, 2018 - 07:27 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Naaresto na ng mga otoridad ang isang lalaking suspek sa pamamaslang matapos nitong magtago ng mahigit isang taon.

Nakilala ang suspek na si Ramil Banta, 42 taong gulang na mayroong kasong homicide matapos nitong saksakin hanggang sa mapatay ang kanyang bayaw na si Jesus Reyes Jr. noong August 2015.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 28 noong November 2016 ay naaresto si Banta sa Barangay Molino 6, sa lungsod ng Bacoor, Cavite.

Ayon kay Police Senior Inspector Edwin Fuggan, Intelligence Chief ng Pandacan Police, nanggaling sa isang informant ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng suspek. Kaya naman nagtungo sila sa Barangay Molino 6 upang kumpirmahin ang report.

Ayon naman sa suspek, nagawa lamang niya ang krimen dahil binu-bully at sinasaktan ni Reyes ang kanyang dalawang anak na babae.

Sa ngayon ay nakakulong na si Banta sa himpilan ng Pandacan Police, kung saan niya haharapin ang parusang reclusion temporal o 17 taon at 8 buwan na pagkakakulong para sa kasong homicide

 

 

 

 

 

 

TAGS: cavite, MPD, murder suspect, Pandacan Manila, cavite, MPD, murder suspect, Pandacan Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.