Mas maigting na paglaban sa terorismo ibibida sa ASEAN-Australia Summit
Mas pagtitibayin pa ng Pilipinas ang commitment nito na tumulong sa laban kontra terorismo sa magaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Australia Special Summit sa Sydney, Australia ngayong linggo.
Si Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang kakatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing pulong ng mga lider.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Cayetano na bibigyang diin ang pagiging aktibong ‘contributor’ ng Pilipinas sa counter-terrorism efforts sa buong ASEAN-Australia region.
Sa nasabing summit ay lalagdaan ang ‘Memorandum of Understanding on Countering Internatonal Terrorism’ kung saan palalakasin ang kooperasyon at kolaborasyon ng mga bansa sa laban kontra terorismo.
Ibabahagi rin ani Cayetano ang development agendas ng bansa partikular ang Build, Build, Build Program na layong palawigin ang pag-unlad sa lahat ng bahagi ng Pilipinas lalo na sa Mindanao.
Makakasama ni Cayetano sina Australian Prime Minister Malcolm Turnbull at iba pang Heads of State sa nasabing pagtitipon kasama ang Australia na pinakamatandang dialogue partner ng ASEAN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.