Barangay kagawad arestado dahil sa droga sa Maynila
Timbog ang isang barangay kagawad at isa pang babae matapos magkasa ng buy hust operation ang mga operatiba ng Pandacan Police Station sa panulukan ng Quirino at West Zamora.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Brangay 852 Kagawad Roland Falcis, 48 taong gulang at Jennifer Garilao, 43 taong gulang, habang nakatakas naman ang sinasabing livein partner ni Falcis at kasama nito sa operasyon ng iligal na droga na kinilala lamang sa tawag na Carol.
Kapwa itinanggi ng mga suspek na nagtutulak sila ng droga, ngunit aminadong gumaganit nito.
Ayon pa kay Garilao, gumagamit lamang siya ng shabu kapag may nagbibigay sa kanya ng libre, kagaya ng kanyang mga kumpare na kabilang si Falcis.
Ayon naman kay Pandacan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, Police Senior Inspector Edwin Fuggan, nang ikasa nila ang operasyon ay hindi nila alam na kagawad pala si Falcis. At nang magpakita ito ng ID ay saka na lamang nila nalaman na kawani ito ng barangay.
Ani Fuggan, kapwa nasa kanilang drugs watchlist sina alyas Carol at Garilao.
Aniya, matapos ang palitan ng pera at droga ay natunugan nina alyas Carol at Falcis na pulis ang katransaksyon kaya agad na kumaripas ng takbo.
Pumasok si Falcis sa bahay ni Garilao kung saan ito naaresto, habang nakatakas naman si alyas Carol.
Narekober mula kay Falcis ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money. Habang drug paraphernalia naman ang nakuha mula sa bahay ni Garilao.
Habang mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang arestadong suspek, ay patuloy namang tutugisin ng mga otoridad si alyas Carol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.