3 magnanakaw arestado sa bus stop sa Quezon City

By Justinne Punsalang March 15, 2018 - 03:44 AM

 

Kuha ni Justinne Punsalang

Kumaripas man ng takbo ay naaresto pa rin ang tatlong kalalakihan matapos pagnakawan ang isang menor de edad sa bus stop malapit sa isang kilalang mall sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Andrew Ilanes, Arvin Aquino, at Jasper Edward Rodriguez.

Modus ng mga suspek na magpanggap na may hinahanap na suspek sa panghahalay at ibibintang ito sa kanilang target.

Habang kinokompronta ay doon na nila pagnanakawan ang biktima.

Ganito ang ginawa ng grupo sa isang 13 taong gulang na binatilyo, kung saan kanilang tinangay ang cellphone ng biktima.

Depensa ng asawa ni Ilanes at Aquino, gipit sila sa buhay kaya nagawa ng kanilang asawa ang krimen.

Kasalukuyan nang nakakulong ang tatlo na mahaharap sa kasong theft.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.