Walang pasok sa tanggapan ng Gobyerno sa Metro Manila sa Nov. 17 at 20

By Alvin Barcelona October 05, 2015 - 12:46 PM

APEC2015_iconSinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa mga tanggapan ng Gobyerno sa Metro Manila sa November 17 at November 18.

Ito ay batay sa rekomendasyon ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) – Office of the Director General, Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang deklarasyon ay sa bias ng memorandum circular number 84, para magbigay daan sa idaraos na APEC meetings sa bansa mula November 18 hanggang 20.

Nangangahulugan itong apat na araw na walang pasok sa mga opisina ng gobyerno sa Metro Manila kasama na ang mga GOCCs o mga Government Owned and Controlled Corporations.

Nauna nang idineklara ng Malakanyang na walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila mula November 18 hanggang 19.

Nilinaw naman sa memorandum na ang mga opisina na may direktang kinalaman sa security and safety kasama ang mga health at emergency preparedness at may kinalaman sa mga aktibidad para sa APEC ay kailangang magpatuloy ang operasyon.

Samantala ipinauubaya naman ng Malakanyang sa mga Local Government Units at mga may-ari ng mga pribadong kumpanya na apektado ng APEC kung magdedeklara rin ng suspensyon ng trabaho sa nasabing mga petsa.

TAGS: APECMeetings, NoWorkforGovtOfficesinMetro, APECMeetings, NoWorkforGovtOfficesinMetro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.