Panukalang national ID system, lusot na sa ikalawang pagbasa sa Senado
Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang pagbuo ng Philippine Identification System.
Layon ng nasabing panukalang batas na pag-isahin, pagsama-samahin at pag-ugnayin ang mga government IDs sa pamamagitan ng isang national identification system.
Nilinaw naman ni Sen. Panfilo Lacson na hindi naman obligado ang lahat na magparehistro sa Philippine Identification System o PhilSys, ngunit tiyak na mahihirapan ang mga ito kung hindi.
Ayon kasi kay Lacson, mas mapapadali nito ang pakikipag-transaksyon sa negosyo kaya kung hindi magpapa-rehistro dito ang isang tao ay tiyak na siya ay mahihirapan sa dami ng mga hihinging ID.
Kung ikukumpara naman sa mga naunang panukala ay napawi na ng bersyong ito ang mga agam-agam kaugnay ng seguridad na maibibigay nito sa impormasyon ng mga magpaparehistro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.