Konsehal ng San Fernando, Cebu patay sa pananambang

 

Patay sa pamamaril ang isang konsehal ng bayan ng San Fernando sa lalawigan ng Cebu matapos itong tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si municipal councilor Alexander Alicaway, na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pamamaril malapit sa pamilihang bayan ng San Fernando, sa barangay Poblacion.

Bigla umanong nilapitan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo ang biktima at walang awang pinagbabaril ito.

Bagamat isinugod pa sa ospital ang biktima ay idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang posibleng motibo ng mga salarin sa pamamaslang.

Read more...