6 Scout Rangers, sugatan sa engkwentro sa Sulu

By Kabie Aenlle March 15, 2018 - 01:04 AM

 

Sugatan ang anim na tauhan ng Scout Rangers matapos ang bakbakan sa pagitan nila at ng mga bandido ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, hindi naman bababa sa limang bandido ang sinasabing napatay sa engkwentro base sa kanilang natanggap na impormasyon mula sa kanilang sources.

Ayon pa kay Sobejana, nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo, Martes ng madaling araw, nang maka-engkwentro nila ang isang grupo ng Abu Sayyaf sa ilalim ng pamumuno ni Radulan Sahiron sa Barangay Panglahayan.

Dalawa sa mga sundalo ang kinailangang ilipad para dalhin sa isang pribadong ospital, habang ang apat na iba naman ay nanatili lang sa Kuta Teodolfo Bautista Trauma Hospital sa bayan ng Jolo.

Kwento naman ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. na commander ng Western Mindanao Command, malapitan ang naging bakbakan ng magkabilang pwersa kaya nagawang mapuruhan ng mga sundalo ang mga kalaban.

Naging maingat lang aniya ang mga sundalo dahil posibleng kasama ng mga bandido ang kanilang mga bihag.

Nakarekober naman ng dalawang M16 rifles ang mga otoridad pagkatapos ng bakbakan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.