Indonesian terrorist, nadakip sa Sultan Kudarat
Arestado ng mga otoridad ang isang Indonesian terrorist sa Palimbang, Sultan Kudarat.
Nakilala ang 32 taong gulang na suspek na si Mushalah Somina Rasim alias Abu Omar na nagmula pa sa Pangeran Antasari, Indonesia.
Base sa inisyal na impormasyon na ibinigay ng isang security official, naaresto ang terorista matapos mamataan ito sa Barangay Colube.
Nabatid kasi na may mga natitirang taga-suporta ng Ansar Khilafa Philippines na pinamumunuan ni Abu Maher ang naiwan sa lugar at nagre-recruit ng mga bagong myembro partikular na sa mga baranggay ng Akol at Datu Maguiles sa Palimbang, Sultan Kudarat province at sa barangay Kiayap sa Maitum, Sarangani Province.
Nakuha mula sa suspek ang isang ATM Card at mahigit 250,000 na Rupiah bills.
Paliwang ng security official, mahigpit nilang binabantayan ang iligal na aktibidad sa kanilang rehiyon at nakahanda silang umaksyon sa kanilang manggulo ang nasabing grupo.
Sa ngayon, nai-turn over na sa Bureau of Immigration ang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.