Duterte, hindi pa rin ligtas sa imbestigasyon ng ICC

By Len Montaño March 15, 2018 - 01:06 AM

 

Hindi pa rin maililigtas ni pangulong rodrigo duterte ang sarili nito sa imbestigasyon ng International Criminal Court kahit kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na tratadong bumuo sa ICC.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, ang withdrawal ng bansa sa ICCc ay self-serving at bunsod ng panic dahil sa posibleng paglilitis kay Duterte sa ICC dahil sa reklamong crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs ng gobyerno.

Giit ni Tinio, hindi maililigtas ng pangulo ang kanyang sarili sa imbestigasyon ng ICC sa pamamagitan ng pag-withdraw ng Pilipinas sa state party to the Rome Statute.

Binanggit ng kongresista ang Article 127 ng Rome Statute na nagsasaad na ang pagkalas sa ICC ay magiging epektibo lamang isang taon matapos nitong matanggap ang notice.

Dagdag ni Tinio, walang epekto ang withdrawal ng bansa sa anumang kooperasyon na may kaugnayan sa criminal investigations at proceedings.

Ibig sabihin anya, dahil sinimulan na ng ICC ang proceedings sa war on drugs ng administrasyong Duterte ay may otoridad na itong ituloy ang imbestigasyobn at obligasyon ng pilipinas na makipag-tulungan kahit pa may notice of withdrawal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.