Duterte binatikos ni Trillanes sa ICC withdrawal

By Jan Escosio March 14, 2018 - 07:18 PM

Naniniwala si Senator Antonio Trillanes IV na ang pag- withdraw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rome Statute ay pagpapakita na hindi nito kayang sindakin ang International Criminal Court.

Aniya ang planong ito ni Pangulong Duterte ay political move dahil alam nito na wala na siyang lusot. Ipinaalala pa ng senador ang unang pahayag ng Pangulo na handa itong magpakulong sa mga ginagawa niya at walang hurisdiksyon sa kanya ang ICC.

Ngunit sinabi ni Trillanes na sa paglabas ng Pilipinas sa kasunduan ay pagpapatunay na mali ang Pangulo sabay dagdag na pagpapakita ito na guilty na ang Chief Justice sa mga alegasyon sa kanya.

Hinamon pa ni Trillanes ang Pangulo na magpakalalaki sabay babala na nalalapit na araw ng paniningil para sa libo-libong biktima aniya ng war on drugs ng administrasyon.

TAGS: duterte, ICC, trillanes, War on drugs, duterte, ICC, trillanes, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.