Registered nurse nanguna sa PMA Class of 2018

Inquirer photo

Isang kadete mula sa lalawigan ng Iloilo ang nanguna sa graduating class ng Philippine Military Academy Alab Tala (Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas) Class of 2018.

Itinanghal si Cadet First Class Jaywardene Galilea Hontoria mula sa Barangay Balabag, Pavia, Iloilo bilang class valedictorian.

Si Hontaria ay isanng registered nurse ayon sa impormasyon na inilabas ng PMA.

Ayon kay PMA Superintendent Lt. Gen. Donato San Juan, makasaysayan ang pagiging valedictorian ni Hontoria dahil sya ay ang kaunaunahang valedictorian na Class Baron makalipas ang 67 na taon.

Paliwanag nya, hindi kasi madali maging class baron at maging top graduate dahil sa dami ng responsibilidad na hawak nito.

Sa 282 na graduating class sa darating na Linggo, umaabot sa 207 ang lalaki habang 75 naman ang babae.

Mahigit kalahati dito ay mapupunta sa Philippine Army, 71 ang sasali sa Air Force at 68 naman sa Philippine Navy.

Samantala, bukod kay Hontoria kasama rin sa top 10 sina:

-Ricardo Liwaden mula Gawana, Barlig, Mt. Province, salutatorian

-Jun-Jay Malazzab Castro mula Amulung, Cagayan

-Leonore Andrea Carino Japitan mula Butuan City

-Mark Jantzen Dacillo mula Zamboanga City

-Jezaira Buenaventura mula Negros Occidental

-Jessie Antonio Laramang mula Tarlac

-Paolo Balla Briones mula Camp Allen, Baguio City

-Jayson Raymundo Cimatu mula sa Casiguran, Aurora

Micah Quiambai Reynaldo mula Bamban, Tarlac.

Read more...