Marines bilang bagong AFP branch of service ipinamamadali sa Kamara
Ipinamamadali na ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Kamara ang pagpasa ng panukalang naghihiwalay sa Philippine Marines bilang hiwalay na sangay ng Armed Forces of the Philippines.
Sa ilalim ng House Bill 7304 na inakda nina Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Farinas, gagawing hiwalay na sangay ng militar ang Philippine Marines tulad ng Philippine Army, Airforce at Navy.
Kapag naging batas ang panukala, magkakaroon din ng maliwanaw na mandato ang Marines na sumuporta sa mga law enforcement agency at tumugon kapag mayroong trahedya o kalamidad.
Ang Philippine Marines ay pamumunuan ng Commandant na may ranggong Liutenant Genral na itatalaga ng pangulo.
Nakapaloob din dito na magkakaroon ng tatlong base ang Marines sa bansa na itatayo sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Paliwanag ng dalawang lider ng Kamara, ang kawalan ng sariling batas ng Philippine Marines ang isa sa dahilan ng problema nito kabilang na ang usapin ng pondo.
Sa ngayon ang Philippine Marines ay nasa ilalim ng Philippine Navy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.