Kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute of the International Criminal Court.
Ang Rome Statute ay isang treaty na lumikha sa International Criminal Court kung saan naging signatory ang Pilipinas noong 1998.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng preliminary examination ang ICC sa war on durgs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinalabas ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ito ay dahil sa pagiging biased ng United Nations sa Pilipinas.
Sinabi pa ng pangulo na mistulang mayroong concerted effort ang U.N Special Rapporterus para palabasin na mukha siyang berdugo at mamamatay tao at lumalabag sa karapatang pantao dahil sa libu-libong napatay sa extra judicial killings.
Bukod dito, nagkaroon na rin aniya ng premature na pahayag ang ICC nang sabihin nito na nagsasagawa na sila ng preliminary examination kaugnay sa war on drugs ng pamahalaan.
Dahil sa nasabing mga pahayag, sinabi ni Panelo na tila inilulutang ng ICC na sinampahan na nila ng mga kaso ang pangulo dahil sa serious crimes.
Noong August 23, 2011 naging signatory ang bansa sa Rome Statute of the International Criminal Court.