Presidential Spokesperson Harry Roque walang P500M para kumandidatong senador

Awanti kwarta.

Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque sa paulit ulit na tanong kung tatakbo siyang senador sa 2019 elections.

Paliwanag ni Roque, wala siyang limang daang milyong piso na ipangtutustos sa kanyang kandidatura.

Ayon kay Roque, nagpapasalamat siya sa suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi ito sapat na dahilan para sumabak na sa senatorial elections.

“Dont have 500M. I thank him for the support but awanti kwarta!” ani Roque.

Bukod kay Roque, malakas din ang panawagan ng Ready Set Go Movement na tumakbong senador si Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Read more...