Justice Secretary Aguirre pinagbibitiw na sa pwesto ng Makabayan bloc

By Erwin Aguilon March 14, 2018 - 01:35 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Hinimok ngayon ng Makabayan bloc sa Kamara si Justice Secretary Vitaliano Aguirre III na magbitiw na sa puwesto.

Ayon sa kay ACT Teachers Rep. France Castro kung may delicadeza si Aguirre ay dapat na itong magresign.

Huwag na aniyang hintayin pa ng kalihim sibakin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit pa ni Castro na nagmamaang-maangan si Aguirre para hindi mapag-initan ng Pangulo na alisin sa pwesto..

Naniniwala din ang Makabayan na nagkaroon ng sabwatan ang mga opisyal ng pamahalaan para maibaba ang ganitong desisyon.

Nauna rito dinismiss ng DOJ panel na i-dismiss ang drug complaint laban sa bigtime drug lord na si Kerwin Espinosa, negosyanteng si Peter Lim at Peter Co.

TAGS: ACT Teachers Rep. France Castro, DOJ, Justice Secretary Vitaliano Aguirre III, Kamara, kerwin espinosa, Makabayan bloc, peter co, Peter Lim, ACT Teachers Rep. France Castro, DOJ, Justice Secretary Vitaliano Aguirre III, Kamara, kerwin espinosa, Makabayan bloc, peter co, Peter Lim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.