Sa May 30, 2018 ipapasa ng dalawang kapulungan ng kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang ipinangako nina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez matapos ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa Malakanyang.
Iginigiit ng pangulo na hindi maaring mabigo sa ngayon ang BBL dahil dito umaasa ang susunod na henerasyon.
Ayon kay Roque, maari ring magbigay ng template sa BBL ang binuong constitutional commission.
Bukod sa dalawang lider ng kongreso, kasama rin sa pagpupulong kagabi sina Senate Majority Floor Leader Tito Sotto, Senador Gringo Honasan at Senador Ping Lacson sa panig ng senado samantalang sa kamara naman kasama ni Alvarez sina Majority Floor Leader Rodolfo Farinas, Bai Sema, Jun Papandayan, Romeo Acop, Ruby Sawali at Amado Espino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.