SP Koko Pimentel inihingi ng tulong ang PNP sa mga kaalyadong bansa
Nanawagan si Senate President Koko Pimentel sa mga kaalyadong bansa kung maari nilang matulungan ang PNP lalo na sa aspeto ng pagresolba ng krimen.
Nakatuon ang pansin ni Pimentel sa mga bansa na mahuhusay ang kakayahan ng kanilang puwersa ng pulisya, tulad ng US, Japan, United Kingdom at ibang miyembro ng European Union.
Partikular na pinuna ng senador ang nagpapatuloy na mga insidente ng ‘death under investigation,’ at walang mga suspek na naaresto, nakakasuhan at nasesentensiyahan.
Giit pa nito, kung hindi kayang baguhin ng pambansang pulisya ang kanilang hanay maaring makakabuti kung hihingi sila ng tulong sa ibang bansa.
Dapat aniya matuto din ang mga ito na rumespeto sa mga karapatang-pantao at sumunod mismo sa mga batas na kanilang ipinatutupad.
Una nang pinuna ni Pimentel ang kabiguan ng PNP na resolbahin ang mga kaso at ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa mga krimen.
Banggit pa nito, makatuwiran lang na maramdaman ng taumbayan na sila ay ligtas at masulit ang pagtaas ng suweldo ng mga pulis at karagdagang pondo para sa kanilang trainings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.