Pagdinig kaugnay sa pagbawi sa art collections ng pamilya Marcos ipinagbaliban ng Sandiganbayan
Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagdinig sa mosyon ng gobyerno na maglabas ng partial judgement sa pagbawi sa milyun-milyong dolyar na art collections ng pamilya Marcos.
Iniurong ng First Division ang pagdinig sa June 6 dahil sa nakabinbing civil case sa Korte Suprema.
Noong February 24, 2016, hiniling ng Presidential Commission on Good Government sa Sandiganbayan na bawiin ang ilan sa umano’y ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Ilan sa mga ito ang 152 paintings na nagkakahalagang $11.84 milyon, 27 paintings at sculptures na nadiskubre sa Metropolitan Museum of Manila na tinatayang $548, 445 ang halaga, at 12 paintings ng Amerikanong pintor na si Anna Mary “Grandma Moses” Robertson.
Sa pagtaya ng PCGG, aabot na sa $24 milyon ang halaga ng artworks.
Gayunman, itinigil ng Korte Suprema ang mga pagdinig simula noong Julym at inatasan ang Sandiganbayan na ibigay ang mga dokumento para makumpleto ang records bg Civil Case No. 0141.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.