Sa kaniyang sponsorship speech, sinabi ni Umali na mas magiging epektibo ang OSG kung masusunod ang itinatakda ng panukala na bubuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).
Kapag naisabatas ang panukala ililipat na sa OSG ang kasalukuyang trabaho ng PCGG AT OGCC.
Dahil dito, dadagdagan ang kasalukuyang 30 division ng OSG at gagawi itong 50 na may tig-sampung mga abogado.
Nakasaad din sa panukala na ipasasailalim na sa Office of the President ang OSG para sa funding requirement ng tanggapan.
Samantala ang mga maapektuhang empleyado ng bubuwaging PCGG at T OGCC ay maaring ma-absorb sa OSG habang ang hindi makukuha isasailalim sa separation program.