Pinsan ni dating Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog, patay sa pamamaril

By Mark Makalalad March 14, 2018 - 11:32 AM

Patay sa pamamaril ang pinsan ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog sa Purok Malinawon, Barangay Tinago, Ozamiz City.

Base sa ulat pinagbabaril ng riding in tandem si Sandy Daroy, 36, sa labas ng kanyang bahay pasado alas-5:00 ng hapon noong Lunes.

Hindi pa natutukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaril.

Matatandaan na si Mayor Parojinog at iba pa nyang kamag-anak ay kasama sa 16 na napatay noong July 30, 2017 makaraang manlaban umano ang kanilang security personnel nang maghain ng search warrant ng PNP.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto nina Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kanyang kapatid na si Reynaldo Jr. kasunod ng pagkakadiskubre ng kalahting kilo ng shabu sa kanilang bahay.

Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, spokesperson of Police Regional Office sa Northern Mindanao, patuloy na iniimbestigahan ang krimen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cousin of reynaldo parojinog, ozamis city, riding in tandem, Shooting Incident, cousin of reynaldo parojinog, ozamis city, riding in tandem, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.