“Boracay” hindi dapat gamitin kapag idineklara ang state of calamity sa isla

Inquirer File Photo

Umaapela ang lokal na pamahalaan ng Malay na huwag gamitin ang pangalang Boracay sakaling isailalim man sa state of calamity ang isla.

Isinusulong ng Sangguniang Bayan ng bayan ang isang resolusyon kaugnay nito.

Ayon kay Sangguniang Bayan Memer Neneth Graf, ito ay para maiwasan ang posibleng masamang epekto sa turismo ng Boracay.

Sa halip, iminungkahi ni Graf na gamitin ang pangalan ng mga barangay ng Balabag, Manocmanoc at Yapak na makatatanggap ng pondo kapag itinaas ang state of calamity.

Ayon kay Graf, ilan sa mga nakitaan ng mga paglabag sa batas-kalikasan ang D’Mall sa Barangay Balabag, Crown Regency Convention Center sa Barangay Manocmanoc, at 7 Seas sa Barangay Yapak.

 

 

 

 

 

Read more...