Dalawa sugatan sa banggaan ng dalawang SUV sa Taytay

Photo Credit: Office of the Mayor – Taytay, Rizal

Sugatan ang dalawang katao makaraang magkabanggaan ang dalawang SUV sa Ortigas Extension sa Taytay Rizal.

Sangkot sa aksidente ang isang Ford Expedition at Isuzu Trooper.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Police office, naganap ang aksidente alas 6:20 ng umaga ng Miyerkules sa tapat ng Montevista Heights Subdivision.

Photo Credit: Office of the Mayor – Taytay, Rizal

Pa U-turn sana sa lugar ang Isuzu Trooper pero mabilis ang dating ng For Expedition patungo sa bahagi ng Tikling.

Agad namang isinugod sa Manila East Hospital ang driver ng dalawang sasakyan na kapwa nagtamo ng sugat sa katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente at kabilang sa bubusisiin ay ang CCTV footages sa lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...