Ito ay kahit na ibinasura na ng National Prosecution Service (NPS) ang kasong drug trafficking laban kay confessed drug lord Kerwin Espinosa at ang mga pinaghihinalaang drug lord na sina Peter Lim at Peter Co.
Paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque, masyado pang premature ang kaso dahil wala pa namang pinal na desisyon na inilalabas ang Department of Justice (DOJ).
Sa ngayon, sinabi ni Roque na mas makabubuting hintayin na muna na patapusin ang DOJ sa pagrereview sa kaso nina Espinosa.
“I think that’s premature. Because as I said, we don’t know what the final decision will be. That’s not yet a final decision,” ayon kay Roque.
Matatandaang kasama sa narco-list ng pangulo ang ilang mga kongresista, mayor, barangay captain, pulis at iba pa.