Narco-list ni Pangulong Duterte hindi pa rerepasuhin

By Chona Yu March 14, 2018 - 09:35 AM

Wala pang nakikitang rason ang Malakanyang para repasuhin ang hawak na narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na ibinasura na ng National Prosecution Service (NPS) ang kasong drug trafficking laban kay confessed drug lord Kerwin Espinosa at ang mga pinaghihinalaang drug lord na sina Peter Lim at Peter Co.

Paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque, masyado pang premature ang kaso dahil wala pa namang pinal na desisyon na inilalabas ang Department of Justice (DOJ).

Sa ngayon, sinabi ni Roque na mas makabubuting hintayin na muna na patapusin ang DOJ sa pagrereview sa kaso nina Espinosa.

“I think that’s premature. Because as I said, we don’t know what the final decision will be. That’s not yet a final decision,” ayon kay Roque.

Matatandaang kasama sa narco-list ng pangulo ang ilang mga kongresista, mayor, barangay captain, pulis at iba pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: drug list, narco list, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, drug list, narco list, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.