Matapos palayain na ng Senado, Faeldon nagsimula nang magtrabaho sa OCD
Hindi mahihirapang mag-adjust sa kanyang bagong posisyon sa gobyerno si dating Bureau of Customs Chief Nicanor Faeldon na kahapon ay pormal nang umupo bilang deputy for operations ng office of civil defense.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Romina Marasigan, si Faeldon ay dating sundalo kaya madali lang itong magiging pamilyar sa kanyang trabaho sa OCD.
Sanay rin aniya ito sa humanitarian and disaster response kaya madali itong makakatugon sa panahon ng kalamidad.
Dagdag pa ni Marasigan, batid nila ang kakayahan ni Faeldon sa pamumuno ng isang organisasyon.
Sa kanyang unang araw sa trabaho, napasabak agad sa meeting si Faeldon kasama si Civil Defense Administrator Usec. Ricardo Jalad kaugnay sa Task Force Bangon Marawi.
Dito natalakay ang bagong development sa Marawi at mga gagawing hakbang sa rehabilitasyon nito.
Matatandaan na nasangkot si Faeldon sa kontrobersyal na 6.4 bilyong pisong shabu shipment sa bansa na nakapasok mula China at nakalaya lamang sa pagkakakulong sa Pasay City Jail.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.