Pagdedeklara bilang special non-working holiday ang January 18 kada taon sa mga kasambahay lusot na sa kamara

By Erwin Aguilon March 14, 2018 - 09:16 AM

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang panukalang batas na nagrereklara ng “Araw ng mga Kasambahay”.

Sa botong 225-Yes, 0-No at 0-Abstention pumasa ang House Bill 6285.

Sa ilalim ng panukala, gagawing special non-working holiday ang petsang January 18 para sa lahat ng kasambahay.

Ito ay bilang paggunita sa pagkakalagda Kasambahay :aw o Republic Act 10361 bilang isang ganap na batas noong January 18, 2013.

Nakasaad sa panukala na kung matatapat ng weekend ang January 18 ay gagawin ang holiday sa pinakamalapit na araw ng Biyernes para sa petsa.

Isinulong ang nasabing panukala bikang pagkilala sa mahalagang serbisyo ng mga kasambahay.

 

 

 

 

 

 

TAGS: House of Representatives, Kasambahay Holiday, Kasambahay Law, Radyo Inquirer, House of Representatives, Kasambahay Holiday, Kasambahay Law, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.