Tinupok ng apoy ang mahigit 1,000 mga bahay sa Barangay Almanza Uno sa Las Piñas City.
Nagsimula ang sunog pasado alas 3:00 ng madaling aaraw sa Laong compound na umabot sa 5th alarm.
Ayon sa mga residente, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Marilyn Bura na gumagamit ng panggatong na kahoy sa pagluluto.
Dahil sa insidente, libo-libong pamilya ang nawalan ng tahanan at wala ring halos naisalbang mga gamit.
Nanawagan naman ang mga nasunugan sa lokal na pamahalaan para sila ay mapagkalooban ng tulong dahil karamihan sa kanila ay hindi pa nakapag-aalmusal.
Hindi rin nila alam kung saan sila ngayon titira matapos masunog ang kanilang mga bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.