Panel of prosecutors na nagbasura ng drug case vs Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa pinaiimbestigahan sa NBI

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa posibleng paglabag sa batas na nagawa ng panel of prosecutors na nagbasura sa kaso nina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pa.

Sa inilabas na department order, inatasan ni Sec. Vitaliano Aguirre II si NBI Dir. Dante Gierran na alamin kung may posibleng paglabag sa batas ang mga miyembro ng panel ng National Prsecution Service sa pamumuno ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan.

Partikular na pinatutukoy ni Aguirre kung nagkaroon ng “wrongful exercise of lawful authority” sa panig ng mga piskal na nagbasura sa kaso.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Aguirre na sa pamamagitan nito ay maiibsan ang duda ng publiko hinggil sa isyu.

Inatasan ni Aguirre si Gierran na magsumite ng report sa ahensya matapos ang gagawing imbestigasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...