Bagong US Secretary of State, binati ni Cayetano

Malugod na tinanggap ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano ang bagong luklok sa pwesto na United States Secretary of State na si dating Central Intelligence Agency (CIA) Director Mike Pompeo.

Sa isang pahayag, binati ni Cayetano si Pompeo sa kanyang bagong posisyon sa pamahalaan ng US.

Sinabi nito na handa na siyang makipagtrabaho kay Pompeo at lalo pang palakasin ang ‘special relationship’ ng dalawang mga bansa.

Samantala, nagpasalamat naman si Cayetano kay dating Secretary of State Rex Tillerson.

Aniya, isang mabuting kaibigan sa Pilipinas si Tillerson at tumulong sa bansa na magkaroon ng masmatibay na ugnayan sa Estados Unidos.

Nagpasalamat rin ang kalihim sa pagkakaibigan at suportang ibinigay ni Tillerson sa mga Pilipino.

 

 

 

 

Read more...