Singil sa tubig bababa sa Abril

By Justinne Punsalang March 14, 2018 - 06:02 AM

Bahagyang mababawasan ang singil sa tubig ng mga Maynilad at Manila Water consumers.

Sa abiso ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), P0.04 per cubic meter ang mababawas sa halaga ng water bill ng Manila Water consumers simula April.

Ibig sabihin, P0.20 ang mababawas sa mga kumukunsumo ng 10 cubic meters o mas mababa, P0.45 sa mga gumagamit ng 20 cubic meters, at P0.91 para naman sa kumukunsumo ng 30 cubic meters.

Samantala, para naman sa mga consumers ng Maynilad, mababawasan ang kanilang April bill ng P0.01 kada cubic meter o P0.06 kada 10 cubic meters, P0.23 kada 20 cubic meters, at P0.46 kada 30 cubic meters.

Samantala, humihirit naman ang dalawang water companies ng dagdag singil.

Ayon sa MWSS, pag-aaralan pa nila kung papayagan ba ang P12 taas na hirit ng Maynilad at P8 para naman sa Manila Water.

Sakaling ipatupad, epektibo ito sa July o August ngayong taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: manila water, maynilad, Radyo Inquirer, manila water, maynilad, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.