Pangulong Duterte dismayado sa pagkakaabswelto kina Kerwin Espinosa at Peter Lim
Kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre kaugnay sa pagkakabasura ng nakasampang kaso laban kina Kerwin Espinosa at Peter Lim.
Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng naging desisyon ng DOJ.
Ani Roque, nadismaya umano si Duterte sa pagpapasya ng DOJ na pawalang sala si Espinosa, Lim, at iba pang mga akusado. Sinabi umano ng pangulo na mismong si Espinosa na ang umamin sa Senado tungkol sa kanyang pagkakasangkot sa iligal na droga ngunit bakit hindi ito ginamit laban sa kanya.
Dahil dito ay bumuo na aniya si Aguirre ng three-man panel of prosecutors, na pangungunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, na silang bubusisi sa nasabing desisyon.
Ani Roque, posible pang muling magsampa ng kaso ang mga pulis at maaari rin silang magsumite ng bagong mga ebidensya laban sa mga akusado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.