Binatikos at tinaguriang peke ng mga kritiko ng gobyerno ang war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Duterte matapos mabasura ang kasong droga laban kina Kerwin Espinosa at Peter Lim.
Ayon kay dating Solicitor General Florin Hilbay, nalagay sa alangangin ang Department of Justice sa pagbasura sa drug case nina Espinosa at ibang akusado dahil pareho ito sa isyung ligal na isinampa laban kay Sen. Leila de Lima.
Ang DOJ resolution anya ay patunay na may bahid pulitika ang kampanya laban sa iligal na droga.
Samantala, kinuwestyon ng ilang senador ang pagbasura ng DOJ sa kaso laban sa umanoy mga drug lords gaya nina Espinosa at Lim.
Sinabi ni Sen. Richard Gordon na bakit pa may drug war kung palalayain lamang ang mga drug lords.
Tinawag naman ni Sen. Antonio Trillanes IV na peke ang war on drugs.
Ayon kay Trillanes, kapag mahirap, walang tanong-tanong, patay agad pero kapag drug lords at kumpare pa ni Pangulong Duterte, may due process na ay abswelto pa sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.