Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Castro na wala siyang personal na alam o narinig sa umanoy kudeta sa liderato ni Alvarez.
Lalong imposible anya na manggaling sa kanyang partido na National Unity Party o NUP ang umanoy papalit sa speaker.
Dagdag ni Castro, maayos naman ang pakikitungo ni Alvarez sa mga kapwa kongresista lalo na sa mga isyu na tinatalakay ngayon ng Kamara.
Lumutang ang isyu ng umanoy problema sa pamunuan ni Alvarez dahil na rin sa paglunsad partido ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na kilalang kritiko ni Alvarez.
MOST READ
LATEST STORIES