Walang kudeta vs. Alvarez – Rep. Castro

By Marilyn Montaño March 14, 2018 - 04:54 AM

Itinanggi ni House Deputy Speaker at Capiz Rep. Fredenil Castro na may nakaambang hakbang para patalsikin umano sa pwesto si House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Castro na wala siyang personal na alam o narinig sa umanoy kudeta sa liderato ni Alvarez.

Lalong imposible anya na manggaling sa kanyang partido na National Unity Party o NUP ang umanoy papalit sa speaker.

Dagdag ni Castro, maayos naman ang pakikitungo ni Alvarez sa mga kapwa kongresista lalo na sa mga isyu na tinatalakay ngayon ng Kamara.

Lumutang ang isyu ng umanoy problema sa pamunuan ni Alvarez dahil na rin sa paglunsad partido ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na kilalang kritiko ni Alvarez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.